Minsan, kahit ideny nyo pa, may mga moment talaga na bigla mo nalang syang maaalala. Yung mga pinagdaanan nyo, yung mga sinabi nya sayo, yung mga simpleng pangyayari na isa na din sa mga rason kung bakit ka nahulog sa kanya. Dadating yung panahon na bigla mo nalang marerealize na, ay, namimiss mo na din pala sya kahit papano. Wala akong pakialam kung may nararamdaman ka pa din ba sakanya o wala na. Wala naman yun dun e, minsan talagang hahanap hanapin mo lang talaga sya. Mararamdaman mo yun. At kung nakakarelate ka sa mga sinasabi ko, may sense man o wala, para to sayo. Keep on reading :D
Ano mang gingawa mo ngayon, may isang tao na kanina pa anjan sa isip mo, mabasa mo pa lang yung title. Sya yung tao na minsan mong minahal. Sya yung tao na kapag anjan sya, feeling mo nasa langit ka. Maaaring nagkaron ng kayo, o sadyang umasa ka lang. At ngayon, isa nalang syang ala ala na, kahit anong pagkalimot mo, di mo magawa, kasi nga, namimiss mo.
Habang binabasa mo to, panigurado naalala mo din kung bakit nga ba kayo nawalay sa isa’t isa. Pwedeng may nagawang kasalanan yung isa sa inyo, o kaya naman, sadyang di lang talaga nagwork out ang lahat. Habang binabasa mo to, siguro umaasa kang di nalang sana yun nangyari.
Siguro isa ka dun sa mga tao na naka straight face kapag pinaguusapan yung taong yun. Yung tipong gustong gusto mong makisali sa usapan, pero ayaw mong ipakitang affected ka. Siguro isa ka dun sa mga tao na kunyari wala ka nang pakialam, pero deep inside, pride-pride lang din yan. Gusto mo nang mabalik lahat sa dati, kaso ayaw mo namang ipakitang miss mo na, kasi baka kung ano pang isipin nya.
Nakakarelate ka ba? O ako lang talaga yung nakakarelate sa mga sinasabi ko? Haha. Ay nako, bahala na nga. Mag kekwento nalang ako.
Unang una, nainspire talaga akong magsulat neto kasi naalala ko nanaman sya e. Lahat nung mga pinagsamahan namin, haha. Di ko sure kung may nararamdaman padin ako. Pero namimiss ko din sya. Wala lang. Haha
Dadating yung panahon na magkakausap ulit kayo, after a long time. At ito yung moment na makikita mong iba na lahat sa inyo, naiilang na syang kausapin ka, di na kayo close tulad ng dati, at sa totoo lang. Marerealize mo na ito pala yung pinakamasakit na part ng kwento nyo. Yung tipong malalaman mong back to zero ulit kayo. Yung malalaman mong para sakanya, parang wala nalang lahat. At dito mo iisipin kung nagkukunwari lang ba syang parang walang nangyari, o sadyang wala na talaga sakanya yun lahat.
Parang ako, ang tagal ng pinagsamahan namin. Sobrang close namin. Na laging magkausap. Tas bigla nalang nawala yung lahat. Ang tagal kong nagtiis na wala sya jan. Malungkot, oo. Sobra. Pero nung isang araw, dumating na yung time na nagusap ulit kami. At, alam nyo yun. Parang walang nangyari. Ito pala yung pinakamasakit na part sa lahat. Yung moment na nalaman mong after lahat ng nangyari, parang wala nalang sa kanya.
Habang sinusulat ko to, napaisip tuloy ako. Kung parehas lang ba kami ng dahilan kung bat kami nagkakailangan o sadyang kinalimutan nalang din nya lahat. Ikaw, yun din ba naiisip mo?
Balang araw, magkikita ulit kayo, at magsisink in sayo kung bakit nga ba kayo nagkahiwalay in the first place. Dahil ba to sa kaartehan lang ng isa sa inyo, o para sa ikabubuti nyo? Minsan, nagpapakatanga tayo sa mga bagay na hindi naman dapat kinakatangahan. Kung sa tingin mo para sa ikabubuti nyo kung bat sya nawala sayo, bat mo pa ipipilit? Pero kung sa tingin mo sya lang talaga ang makakapagpasaya sayo, edi gorabells ka lang! At goodluck sayo. Basta lagi mong tatandaan, kung magpapakatanga ka, dapat para to sa tamang dahilan. Kasi, kung hindi, para san pa yung pinaglalaban mo?
0 comments:
Post a Comment